Lakbay Sanaysay
Paglalakbay
sa Asya
Abril
2019, nilakasan ko ang
aking loob at naglakbay mag-isa patungo sa ibat-ibang bansa sa Asya. Ito ay
naging isang malaking hamon para saakin na nag-iwan ng mahahalagang aral
tungkol sa reyalidad na nasa labas ng ating bansang Pilipinas.
Inumpisahan
ko sa Singapore patungong Malaysia, Vietnam at sa mga karatig nitong bansang
Myanmar, at Thailand. Iisang kontinente man, maraming pagkakaiba parin ang mapapansin
mo sa mga bansang ito. Nagtataasan at naggagandahang mga imprastraktura na
ibang iba sa makikita mo rito sa Pilipinas. Kagaya ng Marina Bay Sands sa
Singapore, ang Petronas Twin Towers sa Malaysia at mga templong naglalakihan sa
Thailand. Samu’t saring mga lahi at rasa rin ang nakakasalamuha mo araw-araw.
Ibat-ibang lenggwahe na nakakawiling pakinggan.
Ito ay isang
pakikipagsapalaran na nagturo saaking maging independe at matuto sa
pakikipagsalamuha sa ibat-ibang klaseng tao at lugar. Ipinamukha nito saakin na
ang kinagisnan kong Pilipinas na puno ng kasiyahan at ginhawa ay iba sa mga
bansang napuntahan ko. Ngunit napatunayan naman nito na napaka ligtas ng ating
mundo at may kabutihan paring nabubuhay sa mga puso ng mga tao hindi man pareho
ang lahi at bansang pinagmulan.
Sa huling
bansang pinuntahan ko, ang South Korea, nagkaroon ako ng realisasyon na hindi
lamang Pilipinas ang maari kong matawag na tahanan. Sa isla ng Jeju sa Korea,
naparamdam saakin ng mga tao roon na tanggap ako sakanilang bansa. Nakakausap
ko ang mga tao roon at natutuwa silang malaman na isa akong turistang mahal ang
kanilang bansa. Maraming eksperyensiya at aral akong natipon sa halos dalawang
buwang paglalakbay ko. Lakbay na naging susi ko upang mabuksan pa ng tuluyan
ang aking puso at utak sa reyalidad ng ating mundo. Lakbay na naghubog saakin
upang mas maging responsable at mabuting mamamayan ng hindi lamang Pilipinas
ngunit ng buong mundo. Ito ang aking
paglalakbay sa Asya.
Comments
Post a Comment