Lakbay Sanaysay
Paglalakbay sa Asya Abril 2019, nilakasan ko ang aking loob at naglakbay mag-isa patungo sa ibat-ibang bansa sa Asya. Ito ay naging isang malaking hamon para saakin na nag-iwan ng mahahalagang aral tungkol sa reyalidad na nasa labas ng ating bansang Pilipinas. Inumpisahan ko sa Singapore patungong Malaysia, Vietnam at sa mga karatig nitong bansang Myanmar, at Thailand. Iisang kontinente man, maraming pagkakaiba parin ang mapapansin mo sa mga bansang ito. Nagtataasan at naggagandahang mga imprastraktura na ibang iba sa makikita mo rito sa Pilipinas. Kagaya ng Marina Bay Sands sa Singapore, ang Petronas Twin Towers sa Malaysia at mga templong naglalakihan sa Thailand. Samu’t saring mga lahi at rasa rin ang nakakasalamuha mo araw-araw. Ibat-ibang lenggwahe na nakakawiling pakinggan. Ito ay isang pakikipagsapalaran na nagturo saaking maging independe at matuto sa pakikipagsalamuha sa ibat-ibang klaseng tao at lugar. Ipinamukha nito saakin na ang kinagisnan kong Pilipinas na...